Lingguhang pag-uusap ng mga kabataang manunulat at mambabasa na miyembro ng Alyansa ng mga Panulat na Sumusuong (ALPAS) tungkol sa panitikan, panulat, at pag-ibig. Kaugnay rin nito ang pagtalakay sa iba't ibang akdang may kaugnayan sa napiling tema.
Mga kuwento ng pag-ibig. Mga kuwento ng pakikibaka. Mga kuwento ng buhay.
Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa iyong propesyon at pinaniniwalaang ibang porma ng pag-ibig? Gaano kahirap abutin ang pangarap na
magsilbi hindi lamang para sa sarili kung hindi para sa bayan? Ano ba ang kaya mong gawin at bitbitin para lamang masabi mong nagampanan mo nang marangal ang iyong tungkulin bilang mamamayang umiiral sa ating lipunan?
Sa episode na ito ay makakasalubong mo ang ibang porma ng pakikibaka na magpapaalala sa'yo na hindi dapat ikanalulungkot ang buhay na inilaan sa paglaban – ito ang buhay na dapat pinagpupunyagian at ipinagpapatuloy kasama ng iba.
6 Apr 2023
Kwentuhan sa Dalampasigan: Katotohanan Nga Ba? (EP. 3)
Narito na ang ikatlo at huling episode ng Kwentuhan sa Dalampasigan: Katotohanan Nga Ba? Nabunyag na ang dapat ibunyag. Ikaw, kaninong bersyon ka ng katotohanan naniniwala?
16 Jan 2023
Kwentuhan sa Dalampasigan: Katotohanan Nga Ba? (EP. 2)
Heto na! Inihahandog ng ALPAS, Kwentuhan sa Dalampasigan, ang pinakahinihintay na ikalawang episode ng Katotohanan Nga Ba? Samahan si Amanda na tuklasin ang nakapangingilabot na lihim ng villa!
15 Dec 2022
Kwentuhan sa Dalampasigan: Katotohanan Nga Ba? (EP. 1)
Ang bagong segment ng ALPodcast, ang Kwentuhan sa Dalampasigan! Pakinggan sa unang episode ng Katotohanan Nga Ba? kung paano magsisimula ang kababalaghan sa buhay ni Amanda. Ano kaya ang dahilan ng kaniyang mga nakita at narinig?
30 Jun 2022
Episode 4: KASARISARIAN: Queer-ntuhan sa Panitikan
Ngayong makulay na buwan ng Hunyo, kaisa ang ALPAS sa pagdiriwang ng Pride Month! Kaya naman, mayroon kaming inihandang chika at mga istorya na tiyak na magpapaikot sa inyong mga emosyon!
1 May 2022
Episode 3: Si Atob sa Ilalim ng Dagat-Panitik
Samahan si Atob, Lola Parola at ang kaniyang mga kaibigan na sina Alimango, Barakuda, Dolphin, at Seahorse na sumuong sa mundo ng panitikan at buksan ang iba't ibang makukulay na karanasan!
19 Jun 2021
Episode 2: Mitolohiya at Politika
Sinuyod at ginalugad namin ang sulok-sulok at mga pagitan sa ilang mahalagang usapin sa Netflix Animation Series na "Trese" (2021) bilang lunsaran ng talakayan sa ugnayan ng hiwaga ng mitolohiyang Filipino at politika bilang tugon sa umiingay na diskursong nakakabit dito.
12 Jun 2021
Episode 1: Kasarinlan at Kasarian
Ang kauna-unahang episode na may temang, "Kasarinlan at Kasarian" bilang tugon at pagbubunyi sa Pride Month at Araw ng Kalayaan sa Pilipinas ay pumapaksa sa mga akda ng mga manunulat sa Panitikang Filipino: "Katalo" (1994) ni Tony Perez, "Pamamanhikan" (2013) ni Bernadette Neri, at "Attack of the 50 Foot Transwoman" (2021) ni Paul Cyrian Baltazar.
Host of ALPodcast?
Claim your podcast to manage its listing and keep your show details accurate.
Pod Engine is an independent podcast discovery and analytics service and is not affiliated with or endorsed by this podcast. Artwork and show content belong to their owners. Full legal notice.