Ang "Kwentuhan sa Kubo" ay isang podcast tungkol sa limang magkakaibigang isko't iskang nasa kasukdulan na ng kanilang kabataan, ngunit nagpapadala at nagpapatangay pa rin sa walang awat na daloy ng pagtanda. Dito'y mapapakinggan natin silang pag-usapan ang kanilang mga karanasan bilang mga Filipino, Gen Z, netizen, iskolar ng bayan, introvert at iba pa, at pati na rin ang kanilang pananalamin sa nakaraan at ang kinatatakutan nilang kinabukasan.
Ang Pagtatapos: Graduation, College Anxiety, Wrap-up
Ito na ang aming huling pagkukwento! Lahat ng aming mga kinatatakutan, pinag-aalahanan, at pinagtatawanan ay aming tatalakayin sa episode na ‘to! Mula naming pasasalamatan ang lahat ng kubobros sa pagsama sa aming mga kwentuhan! Kita-kits na lang sa susunod!
Heto na! Sasagutin na namin ang mga maiinit nyong tanong, tungkol man ito sa aming mga kahihiyan, mga naging guro, o kaya sa mga kaklase. Halina't magkwentuhan!
27 Mar 2021
Cores at Electives: Mga Kailangan N'yong Malaman!
Incoming senior high school student ka ba? Pakinggan na ang episode na 'to kung saan tatalakayin namin ang mga cores at electives na maaari n'yong kunin pagdating sa senior highschool life.
[Timestamps]
01:00 - Cores? Electives? Ano yun?
04:32 - Biology
11:36 - Chemistry
17:21 - Physics
19:45 - Agriculture
26:47 - Design and Make Technology
34:53 - Computer Science
42:53 - Engineering
27 Mar 2021
SANDALI 2 | Q&A on Cores and Electives
Napakinggan mo na ba ang aming core-and-elective episode? Bilang karugtong sa episode na yun ay i-aaddress namin ang mga natanggap naming katanungan sa aming Curious Cat (CC) na makikita sa aming twitter (@KSK_Podcast).
19 Mar 2021
Unpopular Opinions: K-pop, anime, atbp.
May opinyon ka bang alam mong ikinagagalit ng marami? Dito, inilahad namin ang aming mga inilihim na pananaw tungkol sa kpop, anime, atbp!
5 Mar 2021
Kung Sakaling Nagka-Prom Tayo...
Inasahan mo rin bang magkakaprom talaga tayo? Sa episode na 'to, pinag-usapan ng mga kubobros ang mga "what ifs" at "what-could-have-beens" nila.a
WARNING: May konting kalat asgdfsfa.
19 Feb 2021
The Night of Our (Pisay) Lives
Scholars' Night! Ito na ang pinakahihintay ng lahat! Naalala niyo pa ba ang init ng hangin, iskolar na nagsasayawan, at siyempre ang pagkain? Samahan niyo kami sa aming kwentuhan!
12 Feb 2021
SANDALI 1 | Anime, Fashion Sense, Birds
Welcome to a new segment of the podcast!!! Dito nyo maririnig ang aming kamustahan at mga usapan tungkol sa pinaggagawa namin kada-linggo! (Napahaba ata yung usapan namin pero pramis, mas maigsi ‘to next week.)
TWITTER: @KSK_Podcast
CURIOUSCAT: curiouscat.qa/KSK_Podcast
5 Feb 2021
Kagagawan sa Kabataan: Kumon, Scouts, Atbp!
Naranasan mo na rin ba ang mapilitang kumanta, lumangoy, o mag-piano? Kami rin! Sa episode na ‘to pinag-usapan namin ang aming mga trauma, mula sa pagbaballet hanggang sa mahulog sa kanal!
29 Jan 2021
PISAY THE MOVIE: Our Review, Thoughts on the Pisay Contract, and Our Experience
SPOILER ALERT! Sa wakas ay napag-usapan na namin ang tanyag na Pisay the Movie! Pakinggan niyo rito ang detalyadong pagtalakay namin sa bawat taon nito, at ang discussion at self-reflection na naganap sa aming Pisay experience.
22 Jan 2021
Puyatang Pillow Talk
Antok na kami. Halata ba? Bago matulog, ang aming pillow talk ay pwedeng pwede pakinggan! Sabay-sabay tayong antukin sa aming usapan.
16 Jan 2021
The Ultimate Pagkain sa Handaan Tier List
Tapos na ang holidays, pero takam na takam pa rin kami sa pagkaing madalas ihain sa mga handaan. May dadaig pa ba sa Lumpiang Shanghai? Bakit ayaw namin sa fruit salad? Alamin ang aming mga opinyon (at hot takes) sa usapang ito!
DISCLAIMER: Ito ay aming opinyon lamang. Kung di kayo sang-ayon sa mga pinagsasabi namin, i-@ nyo kami sa Twitter at ipaalam nyo sa amin para magkaroon kami ng exposure char.
8 Jan 2021
2020, Layas! Mga Maliliit na Tagumpay na Nakaraos sa Aming Taon
New year, new... nothing. Nega kami sa 2021, pero ano nga ba ang mga munting pinagkaabalahan namin sa nagdaang taon at inaabangan sa hinaharap? Samahan n'yo kami sa usapang ito!
1 Jan 2021
The Post-Christmas Kubo Special
Maligayang Pasko! Ngunit, maligaya nga ba? Nawalan na ba ng ligaya ang Pasko dahil sa pandemya? Abangan sa kwentuhang ito!
18 Dec 2020
The Obligatory Quarantine Episode
Ano-ano ang mga gusto niyong gawin pagkatapos na pagkatapos ng pandemya? Manood ng movie? Gumala? Alamin ang mga kinatatakutan at pananaw namin sa episode na ito!
11 Dec 2020
Crushes!
Ano nga ba ang crush? Simpleng paghanga lang ba talaga ito? Dito na naglaglagan ang aming mga kalokohan at saloobin patungo sa mga crushes namin. Sa tingin mo ba pare-parehas lang tayo kapag dumada-moves sa ating crush?
P.S. Ang mga pangalang naipatak sa episode na ito ay itinago namin sa iba't-ibang codenames upang maprotektahan ang kanilang identidad.
4 Dec 2020
Twitter: Stan Culture, Toxic Games and Addiction
Eto ang mga ganap sa mga timeline namin! Itinalakay namin dito ang mga toxic Twitter games, stan Twitter, cancel culture, waifus, at iba pa.
Disclaimer: Kahit kung iniwasan muna namin ang paksa ng pulitika, hindi po ibig sabihin na apolitical kami. #OUSTDU30NOW
27 Nov 2020
Fresh na Freshies, Sabayang Pagbigkas Starter Pack at mga Nagdaang Family Day
Ano pang tanda namin sa Grade 7 orientation? Umiyak ba si class president tuwing Sabayang Pagbigkas? Anong ganap tuwing Family Day? Ito ang mga tanong na sasagutin namin sa episode na ito.
P.S. Salamat sa pasensya sa audio quality last episode. Sana nakabawi na kami dito. :-))
20 Nov 2020
Ang Pagpapakilala: Us, Pisay and the Acads Culture Shock
Ginusto nyo man o hindi, eto ang aming pagpapakilala sa podcast, sa aming sarili at sa aming high school experiences (na madalas naming makekwento dito).
P.S. Excuse the audio quality... Wala PA kaming sapat na equipment at stable Wifi para sa long-distance podcasting.
Host of Kwentuhan sa Kubo?
Claim your podcast to manage its listing and keep your show details accurate.
Pod Engine is an independent podcast discovery and analytics service and is not affiliated with or endorsed by this podcast. Artwork and show content belong to their owners. Full legal notice.