Meron tayong Part 2 ng Kwentong Lasing episode natin.
Mabebetsin ka ba kung kumakain ka ng chopsuey habang umiinom?
Ano ang mga masarap na pulutan at pagkain pagtapos uminom?
Paano maging manginginom na may disiplina?
Tara samahan niyo kami dito sa Crashpod!
1 May 2021
Kwentong Lasing
Kailan ka ba unang uminom ng alak?
Naranasan niyo na bang malasing sa loob ng isang gay bar? Paano kung may nakita kang dagdag na 2500 kinabukasan na nakaipit sayo?
Samahan niyo kami sa masaya na namang kwentuhan kasama ang Crashpod!
1 May 2021
Toxic Pinoy Culture
May tatlo tayong guest para sa episode na ito.
Ano ang mga kadalasang pang asar sa mga kalaro niyo noong bata kayo?
Bakit dito lang sa Pinas nangyayari yung pag hinuli ka na ng Pulis, aawayin mo pa.
At napagusapan ang shootout sa Commonwealth at bakit ang iilang mga tao ay patakbo pa papunta sa gulo.
Tatalakayin natin lahat yan dito sa Crashpod!
1 May 2021
Buhay Computer Shop
Naranasan niyo na bang tipirin ang baon para pagtapos ng school ay tumambay sa computer shop?
Minsan ubos na yung baon mo at gusto mo pang mag extend kaya inaalay mo na yung tira mong baon noong recess sa bantay.
Samahan niyo kami na pagusapan ang hirap ng buhay ng pagdodownload ng mp3 sa Limewire dito lang sa Crashpod!
1 May 2021
Larong Kalye Part 2
Napasarap ang kwentuhan tungkol sa mga larong kalye noong 90's.
Pinagusapan ang tamang porma ng pagtira ng teks at mga diskarte para dumami.
Ang isa nating guest ay kwinento pano niya nilaban yung gagambang Maynila sa gagambang probinsya.
Samahan niyo kami dito sa masayang kwentuhan kasama ang Crashpod!
1 May 2021
Larong Kalye
Ano yung mga nilalaro ng mga bata noong 90's?
Bakit ang hirap kumawala sa doctor kwak kwak?
Ano ang mga first aid ng mga bata sa tropa nilang nasugatan?
Ano ang stats ng mga tsinelas para sa tumbang preso?
Lahat yan bibigyang kasagutan ng Crashpod!
1 May 2021
High School Life
Usapang High School Life noong Early 2000's. Mula sa gupit, regalo sa monthsary at suntukan sa kabilang school. Samahan niyo kami mag look back sa masasayang memories dito sa Crashpod!
Host of The Crashpod?
Claim your podcast to manage its listing and keep your show details accurate.
Pod Engine is an independent podcast discovery and analytics service and is not affiliated with or endorsed by this podcast. Artwork and show content belong to their owners. Full legal notice.