Sa natatanging SubSelfie.com podcast series na ito, kikilalanin natin ang 10 sa mga natatanging Filipinong millennial at Gen Z. Sila ang mga anonimong personalidad na tahimik na gumagawa ng marka sa kanilang industriya, pero nag-uumapaw sa talento at inspirasyon.
Rain or shine, walang pagod na pumapadyak ang photojournalist na si Jilson Tiu para suyurin ang mga kalye ng Kamaynilaan at pitikan ang mga napapanahon at natatagong mga kwento nito.
18 Jun 2021
Anonimo Psycreatives Anna Tajminah
Sa Kuala Lumpur, Malaysia na inabutan ng pandemic lockdown si Anna Tajminah, isang psychologist sa likod ng Psycreatives Mental Health Coaching, na malaki ang pagpapahalaga sa kabuuang psycho-social wellness ng mga tao.
11 Jun 2021
Anonimo Pinoy Nurses Kristine, Gelai & Jessica
Sa pagpalo ng ikalawang taon ng pandemya at pinakamahabang quarantine sa mundo, kumusta na ang ating mga nurse at ang pagsasanay sa kanilang mga susunod na henerasyon ng frontliners?
Dalawang Pinay engineers sa Denmark ang nagtatag ng Ulap.org (http://ulap.org/), isang Cloud Career Kickstarter Program, para himukin ang mga kabataang Pilipino na lalong linangin ang kakayahan at kaalaman sa science, technology, engineering and mathematics.
1 May 2021
Anonimo Public School Teacher Ruby Bernardo
May 10 taon nang guro si Titser Rubs at isang dekada na rin siyang nangangalampag para sa mga karapatan at pangangailangan ng kaguruan kasama ng Alliance of Concerned Teachers, ang pinakamalaking unyon ng mga guro sa Pilipinas.
23 Apr 2021
Anonimo Astrophotographer Cliff Dy
Sa Norte, isang astronomical photographer ang nanunungkit ng mga bituin, buwan at kalawakan gamit ang kanyang mga lente at camera.
5 Apr 2021
Anonimo Wellness Guru Maikee Bulacito
Sa Davao, isang dating Medical Technologist ang hinatak ng mga bituin para itayo ang crystals and wellness shop na Love, Luna.
28 Mar 2021
Anonimo Entrepreneur Kyla Paler
Kilalanin natin ang anonimo sa likod ng soy candles na Halina, na higit sa liwanag at nagdudugtong ng pag-asa at inspirasyon sa mga nawawalan na nito ngayong pandemya.
Contact Anonimo
Guest appearances
Books guests
Based on episode analysis; this does not confirm that the show is currently accepting guests.
Host of Anonimo?
Claim your podcast to manage its listing and keep your show details accurate.
Pod Engine is an independent podcast discovery and analytics service and is not affiliated with or endorsed by this podcast. Artwork and show content belong to their owners. Full legal notice.
Explore this show Podcast research with Pod Engine