About Buhay Panalangin | The Hugot Panalangin Podcast
Ang inyong mga hugot sa dasal at panalangin, nasa podcast na! Ito ang BUHAY PANALANGIN: The Hugot Panalangin Podcast. Bawat linggo ay tatalakayin natin ang mga bagay-bagay na makakatulong pa pagpapalalim ng ating pananampalataya at sa ating pakikipagugnayan sa Diyos.
Sa Ikalawang Linggo ng Adbyento, muli tayong gagabayan ni Rainier Marquez sa ating patuloy na pagninilay at paghahanda sa darating na Pasko ng Kapanganakan ni Hesus. Maririnig natin sa Ebanghelyo ang pagpapahayag ni San Juan Bautista ng pagsisisi at pagtalikdan sa mga masasamang gawain bilang paghahanda sa pagdating ng Panginoon. #HugotPanalangin #BuhayPanalanginPodcast
27 Nov 2021
Magalak at Maghanda! (Unang Linggo sa Panahon sa Adbyento - K)
Sa pagsisimula ng Adbyento ngayong 2021, sasamahan tayo ni Rainier Marquez na magnilay sa paghahanda natin sa pagdating ng Panginoon sa pag-alala natin sa Kanyang kapanganakan ngayong Kapaskuhan. Totoo nga kayang nagpapahayag na ang mga tanda ng pagdating ng Panginoon ngayong mukhang tumutugma sa Ebanghelyo ngayon ang mga nagagnap sa panahong ito ng Pandemiya? Ang mahalaga, nawa ay nasa atin ang maigting na paghahangad na magalak sa pagdating ng ating Panginoong HesuKristo.
24 Oct 2020
Ibigin mo ang Diyos at Kapwa (Ikatatlumpung Linggo sa Karaniwang Panahon - A)
Sa unang episode ng #BuhayPanalangin, sasamahan tayo ni Rainier Marquez na magnilay at manalangin sa Ebanghelio ng Ikatatlumpung Linggo sa Karaniwang Panahon na itinalaga ring "Prison Awareness Sunday." Alalahanin natin sa ating mga dasal ang Persons Deprived with Liberty (PDL) na sana ay maramdaman nila ang pag-ibig ng Diyos sa kabila ng pagkakait sa kanila ng kalayaan.
13 Oct 2020
Buhay Panalangin | The Hugot Panalangin Podcast (Trailer)
Contact Buhay Panalangin | The Hugot Panalangin Podcast
Guest appearances
Does not typically book guests
Based on episode analysis; this does not confirm that the show is currently accepting guests.
Host of Buhay Panalangin | The Hugot Panalangin Podcast?
Claim your podcast to manage its listing and keep your show details accurate.
Pod Engine is an independent podcast discovery and analytics service and is not affiliated with or endorsed by this podcast. Artwork and show content belong to their owners. Full legal notice.
Explore this show Podcast research with Pod Engine