Ang chikahan sa kasarian...online! Ang GENDERadyo ay ang programa ng Diliman Gender Office na naghahatid ng kaalaman tungkol sa mga isyung panlipunan at pangkasarian.
Bisitahin ang dgo.upd.edu.ph para sa karagdagang impormasyon. Makipag-ugnayan sa GENDERadyo sa dzupgenderadyo.upd@up.edu.ph.
Isa na namang taon ang lumipas sa ilalim banta ng pandemya, pero ano ang mga isyung pangkasarian na tumatak sa atin ngayong 2021? Alamin natin 'yan kasama si Atty. Alnie Foja.
26 Nov 2021
IDEVAW 2021: Kumusta naman ang kababaihan nitong 2021?
Nobyembre na naman, at panahon na muli para sa International Day for the Elimination of Violence Against Women. Kumustahin natin ang naging lagay ng kababaihan nitong nakaraang taon kasama si Tish Vito-Cruz.
19 Nov 2021
Ang toxic masculinity ay nagmula sa patriarchy
Lagi nating naririnig ang salitang patriarchy…pero ano nga ba ang ibig-sabihin nito? Tinanong natin ‘yan kay Tish Vito Cruz.
Makipag-ugnayan sa GENDERadyo sa dzupgenderadyo.upd@up.edu.ph. Ang podcast na ito ay hatid sa inyo ng UP Diliman Gender Office.
12 Nov 2021
Bakit ba “One Billion Rising” ang tawag sa OBR?
Ayon sa isang UN statistic, isa sa tatlong babae ang makararanas ng karahasan sa kanyang buhay. That translates to one billion women globally. Tinanong natin kay Joms Salvador kung bakit mahalaga ang commemoration na ito.
Makipag-ugnayan sa GENDERadyo sa dzupgenderadyo.upd@up.edu.ph. Ang podcast na ito ay hatid sa inyo ng UP Diliman Gender Office.
5 Nov 2021
Ano ba ang misogyny?
Ano nga ba ang ibig sabihin ng misogyny? Bakit mahalagang malaman kung ano ito, at paano ba natin ito maiiwasan? Tinanong natin ‘yan kay Joms Salvador.
Makipag-ugnayan sa GENDERadyo sa dzupgenderadyo.upd@up.edu.ph. Ang podcast na ito ay hatid sa inyo ng UP Diliman Gender Office.
6 Aug 2021
Toxic Masculinity
Ano nga ba ang toxic masculinity at paano ito nakikita? Tingnan natin 'yan gamit si Robin Padilla bilang halimbawa. Sa episode na ito, nakasama natin sa chikahan si Tish Vito Cruz De Vera ng Diliman Gender Office para himayin ang toxic masculinity at kung papaano magpakita ng healthy masculinity.
23 Jul 2021
So, Ano Na? Kababaihan at mamamayan sa ilalim ni Pangulong Duterte
Last SONA na ni Pangulong Duterte. Sa episode na ito, tinanong natin kung bumuti ba ang lagay ng kababaihan at mamamayan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte. Kasama natin sa chikahan si Joms Salvador, ang Pangkalahatang Kalihim ng GABRIELA Alliance of Filipino Women.
Makipag-ugnayan sa GENDERadyo sa dzupgenderadyo.upd@up.edu.ph.
11 Jun 2021
Chikahan sa Panitikang LGBTQIA++
Sa special episode na ito, pakinggan natin ang unang bahagi ng Chikahan sa Panitikang LGBTQIA++, isang stage reading at talakayan hatid ng UP Diliman Gender Office.
11 Jun 2021
Nagbago raw ang requirements para sa annulment?
Walang divorce sa Pilipinas, kaya mahirap magpawalang-bisa ng kasal dito. Karaniwang ginagamit na ground for annulment ang psychological incapacity, na mahirap din patunayan. Pero nito lang May 22 ay nagbago raw ang standards nito? Tinanong natin 'yan kay Atty. Alnie Foja.
17 May 2021
UP IDAHOTB 2021
May 17 ang International Day Against Homophobia, Transphobia, and Biphobia. Alamin natin ang mga isyung patuloy na dinaranas ng mga miyembro ng LGBTQ+ community at ang paggunita ng UP Diliman sa IDAHOT 2021.
Kasama natin sa episode na ito sina Gio Potes, Kristel Gomez-Magdaraog, at Rej Duka.
May tanong ka ba tungkol sa podcast na ito? Mag-email lang sa dzupgenderadyo.upd@up.edu.ph.
16 Apr 2021
Kababaihan sa gitna ng pagtaas ng pagkain, bilihin, at inflation
Nabalitaan natin ang pagtaas ng presyo ng pagkain, bilihin, at inflation ngayong taon dahil sa pandemya. Ano ang implikasyon nito sa kababaihan?Talakayin natin ito kasama si Cathy Estavillo, ang Secretary General ng Amihan.
Makipag-ugnayan sa GENDERadyo sa dzupgenderadyo.upd@up.edu.ph.
12 Mar 2021
Ulat Lila 2021: Kumusta naman ang lagay ng kababaihan noong nakaraang taon?
Isang taon matapos magsimula ang pandemya, ano ang nagbago sa kalagayan ng kababaihan sa ating bansa? Humingi kami ng updates mula kay Cham Perez ng Center for Women's Resources.
Para sa karagdagang impormasyon tunkgol sa Ulat Lila, makipag-ugnayan sa Center for Women's Resources sa centerforwomensresources.org. Maaari ring makipag-ugnayan sa GENDERadyo sa dzupgenderadyo.upd@up.edu.ph.
This radio episode was also aired on DZUP 1602 kHz and on dzup.org.
7 Mar 2021
Bakit kailangan maging mainstream ang chikahan sa kasarian?
Gender mainstreaming is the process of developing a strategy to ensure gender equality. How exactly do you do that? In this episode, let's look back at GENDERadyo's episode with Gender Specialist Reina Olivar.
This podcast is presented by the University of the Philippines Diliman Gender Office. Visit www.dgo.upd.edu.ph for more information.
7 Mar 2021
Bakit kailangan ituloy ang chikahan sa kasarian online?
Hindi tumigil ang mga isyung pangkasarian noong 2020 sa gitna ng pandemya. Balikan natin ang ilan sa mga ito.
This podcast is presented by the University of the Philippines Diliman Gender Office. Visit www.dgo.upd.edu.ph for more information.
3 Feb 2021
Throwback sa pilot episode ng GENDERadyo
Inilunsad ang GENDERadyo sa DZUP noong ika-4 ng Mayo 2018. Ating balikan ang naging talakayan sa episode na ito at abangan ang relaunch ng chikahan sa kasarian...online!
***
GENDERadyo was first aired on DZUP on May 4, 2018. Listen to this very first episode and watch out for the relaunch of the program online!
Contact GENDERadyo
Guest appearances
Books guests
Based on episode analysis; this does not confirm that the show is currently accepting guests.
Host of GENDERadyo?
Claim your podcast to manage its listing and keep your show details accurate.
Pod Engine is an independent podcast discovery and analytics service and is not affiliated with or endorsed by this podcast. Artwork and show content belong to their owners. Full legal notice.
Explore this show Podcast research with Pod Engine