Group chat conversations turned into podcast. Join a group of friends talk about anything under the sun from basketball to social issues.
Cover art image shot by Kyle Tulud
Happy new year! 2022 na, ganito pa rin tayo! Stay safe! Wala munang basketball talks. Kung anu-ano lang ulet!
26 Dec 2021
S02E05 An attempt to record the shortest podcast episode
Yeah, we failed. HAHA. Halos isang oras pa rin to. Thought dump namin lahat ng ito last month! Sobrang naging busy lang talaga kaya late ang upload. SALAMAT SA 1K LISTENS!!!!!
14 Nov 2021
S02E04 The Marshmallow Episode
Marshmallow? ANO YON? De, pagusapan natin ngayon ang Martial Law Economics at iba pa. Timely diba? Sorry late na. Lam niyo naman!
12 Sept 2021
S02E03 Usapang pinilit na may preno! (Our anti-vaxx response)
Mas matagal pa rin yung lockdown versus sa episode na to! PERO SULIT YUNG TAGAL NITONG EPISODE NA ITO!
Hindi nalang shawart ang kasama namin, dahil in the flesh! ERIC EVARDONE! Ang apat na nagsimula ng GC na Insert Conversation Here ay nagsama-sama sa isang makulit, makabuluhan, intense, at nakakatawang episode para sa podcast namin! Sana mag enjoy kayo!
15 Aug 2021
S02E02 Usapang Trending
Anu-ano ba yung mga nag trend? Sinong nag-cancel kanino? Bakit may baril na ang mga bumbero? Delta tapos may lambandt pa? Bakunado ka na ba? Nakapagparehistro? Kilala mo ba si Nas? Isa ka bang twitter pipol? Alright dami pa nan!! Kinig na!
11 Jul 2021
S02E01 NBA Finals nanaman!
Pasensya na kung hindi pa namin nauupload yung ibang episodes, kasi nagkaroon ng technical concern, pero ito na dahil miss niyo na kami! Usap muna ulit tayo tungkol sa basketball kasama ang aming dalawang paboritong guests pag basketball ang usapan!
Suns vs Bucks? Sino ang CBA first 5 niyo? Ano nga ba ang nangyari sa playoffs? Inexpect ba nating lahat tong finals appearance ng dalawang teams? Makinig, Makikulit, makitawa sa amin ulit!
28 Mar 2021
S01E09 Happy Dad Happy Zach!
Adulting episode naman! Kasama si Zach Pe para pagusapan ang mga bagay tungkol sa pagpapamilya, finance at iba pa. Sana may matutunan kayo dito!
21 Mar 2021
S01E08 Seryosong episode sa women empowerment
Seryoso naman lahat ng episode namin. Pinagusapan ang #MenAreTrash, #CancelCulture, at iba-iba pang hashtag pero nagtapos sa #TaoTayo #LahatPaangat. Laging tandaan na ang laban niyo ay laban din namin. May mga pagkakamali ang kalalakihan sa kasaysayan na at pribilehiyong tinatamasa namin ay dahil dito, pero patuloy ang laban sa karapatan ng mga kababaihan at laban para sa isang pantay-pantay na pagtingin sa bawat isa. Ayos ba yun. Sabi sainyo eh, seryosong episode. Happy International Women's Month sa lahat! #ChooseToChallenge
14 Mar 2021
S01E07 PPE: Puñetang Pandemic Eniversary
ISANG TAON NA? Happy Birthday! Happy Anniversary! Babang luksa. Ano pa ba. Isang taon na tayong nasa community quarantine. Ano na? Kaya pa ba? Pag-usapan natin ang vaccine at siyempre ang community quarantine dito sa pinas. Kailan ba to matatapos!?
9 Mar 2021
S01E06 College Life #ThreeYow
Alam mo ba yung school sa España at Diliman? Sarap ba mga pagkain don? Terror profs? Free cut? Miss mo na rin ba yung pancit canton, piaya, fishball, hepa lane, at kung anu-ano pa? May nakakatawang kwento ka rin ba ngayong college ka or noong college ka? Para sayo to!
5 Mar 2021
S01E05 Yu Es and Aye!
Nakarating ka na ba ng America? Kaming tatlo hindi pa kaya naman nag-sama kami ng dalawang nakarating na para pag-usapan ang USA LAYF! Ano bang masarap kainan doon? Anong NBA Experience nila bilang mga basketball fan kaming lahat? Magkano ba pumunta ng USA? At may nagta-transform na bus?!
1 Mar 2021
S01E04.5 Rise of Digital Aeg
Samahan ulit ang tatlong magkakaibigan kasama si Tera upang pag-usapan ang Digital Age (Aeg). Social Media. Ano nga ba ang kwento kung paano naging MoJo si Tere? Kalaban ba siya ng powerpuff girls? At sinubukan naming mag blind item ngayong episode pero fail kami. Pakinggan!
21 Feb 2021
S01E04 No Holds Barred Discussion of Current Events
We talked about current events. Vaccines. Early mind setting of people on elections. Hot takes on politics. Data Privacy. Do you have a Lyka App? We'll talk about that too. This is a no holds barred conversation of friends.
14 Feb 2021
S01E03 Febibig with JIskwerdGaming - Valentines Day Special
Nagmahal ka na ba? Kinilig? Nasaktan? Umasa? Ano nga ba ang love, attraction, at infatuation? Anong non-negotiables mo? Anong love language mo? Ilan lang yan sa mga pinagusapan sa episode na to! At siyempre, ang love story ni JJ. Sino nga kaya yung imemessage niya? Ano yung tinawid niyang tulay? Basta ang dami, tungkol sa pag-ibig. Kinig ka. Like and support niyo rin yung page niya: https://www.facebook.com/JskwerdGaming.
12 Feb 2021
PART 2 S01E02 "Same Same but Different" Usapang Quarantine Life
PART 2!
Ano ba ang mga bagong ginawa namin during quarantine? Dami naming podcasts na nabanggit din dito, baka naman! Ano ang mga nilolook forward namin in the future. Sana next time magkakasama na tayo! Ang dami pang pinagusapan dito, pati DOTA at ang mahiwagang libro, ano nga ba ang libro na to na nabanggit sa dulo? HAHA. Makinig at makipagkulitan sa anim na magkakaibigan.
11 Feb 2021
S01E02 "Same Same but Different" Usapang Quarantine Life
Sa episode na to pinagusapan ang mga bagay na ginawa namin during quarantine, specifically nung bago pa lang nagsisimula ang quarantine period dito sa Pilipinas. Team Britta or Team Annie ka ba? Feeling mo rin ba habang nasa quarantine tayo nakailang Jeremy Bearimy na tayo? Naadik ka rin ba sa Valorant? May squad ka na ba? Nagkita na ba kayo ng quaranfling mo at hindi na lamang to "fling" lang? Paano kayo nag cope up sa boredom niyo habang stuck kayo sa bahay? Totoo bang ngayon natin mapapatunayan kung sino yung mga totoong kaibigan natin? Marami pang iba! Samahan niyo kaming pagusapan lahat yan! At teka! May part 2 to kasi napasarap ng kwentuhan, intayin niyo! :D
3 Feb 2021
S01E01 Medyo Hot Takes tungkol sa Basketball
Recorded Feb 2, 2021. Samahan si Kyle, Ranze, at Aegean, kasama sila JR at Marco. Basketball talks! Mula PBA trades, NBA updates, NBA Jerseys, NBA super teams, NBA beef, at iba-iba pang "medyo hot takes" namin tungkol sa basketball. Lahat ay opinyon lamang.
1 Feb 2021
Test Episode Part 2
Ang pagpapatuloy. Sorry na agad kasi hindi ko napindot yung record button while we're recording the part 2. Marami pa rin namang makukuhang opinyon at kwentuhan dito. Bawi nalang kami kay Kai Sotto next time. Pakinggan si Ranze, Kyle, at Aegean sa usapang local basketball at ano ba ang opinyon nila sa mga bagay bagay na nangyayari rito.
1 Feb 2021
Test Episode Part 1
Recorded January 31, 2021. A spur of the moment decision to record something about basketball opinion. Part 1 is all about NBA.
Contact *Insert Conversation Here*
Guest appearances
Books guests
Based on episode analysis; this does not confirm that the show is currently accepting guests.
Host of *Insert Conversation Here*?
Claim your podcast to manage its listing and keep your show details accurate.
Pod Engine is an independent podcast discovery and analytics service and is not affiliated with or endorsed by this podcast. Artwork and show content belong to their owners. Full legal notice.
Explore this show Podcast research with Pod Engine