Simpleng trip lang ng magtropa: usapan tungkol sa mga isyung panlipunan, mga balita at mga halu-halong katarantaduhan. Walang rules, walang direksyon, chill lang. Samahan niyo kami sa Kalye Misericordia para sa mga usapang minsan kwela, minsan seryoso pero palaging educational! Rakenrol!
Paano nga ba natin tanggapin ang tagumpay ng ibang tao? Sa episode na ito tinalakay ang kontrobersyal na scholarship grant ni Julian Martir na gumawa ng ingay sa iba't-ibang channel ng balita. Nakutya at napagkatuwaan ang kanyang sagot sa isang panayam kung saan naging sanggunian niya ang Marvel Cinematic Universe na dahilan ng kanyang aplikasyon sa mga unibersidad. Sadya ba talagang may mga balita na ginagawa upang magkaroon lamang ng manonood o likas na sa tao ang magduda at kumapit sa kasinungalingan?
6 May 2023
S01 E02: Si Bill na Broadcaster turning corporate.
Sa ikalawang episode ng kalye inimbitahan namin ang isang content creator na si Bill Blythe. Kahit di kadamihan ang kanyang followers sa social media naibahagi niya ang mga naging inspirasyon sa paggawa ng mga videos. Natalakay din ang suliranin ng isang bagong graduate ng kursong AB Broadcasting sa paghahanap ng trabahong halintulad sa kanyang natapos.
2 May 2023
S01 E01 - Ep01: Mabuhay Manggagawa!
Pilot episode ng Kalye Misericordia podcast. Medyo nangangapa kasi unang sabak sa podcast pero meaningful agad yung topic. Ngayong Mayo Uno, samahan niyo kami sa usapang lasing tungkol sa mga isyung pang-manggagawa at iba pang kababalaghan. Mga bagay na nakakayamot, nakakatuwa, nakakaasar at nakakatawa tungkol sa buhay ng mangagawang pinoy! Mabuhay ang mga manggagawa!
Contact Kalye Misericordia
Guest appearances
Books guests
Based on episode analysis; this does not confirm that the show is currently accepting guests.
Host of Kalye Misericordia?
Claim your podcast to manage its listing and keep your show details accurate.
Pod Engine is an independent podcast discovery and analytics service and is not affiliated with or endorsed by this podcast. Artwork and show content belong to their owners. Full legal notice.
Explore this show Podcast research with Pod Engine