i will be so good at creative staging and blocking na kahit ako magugulat sa ideas kasi may ganon pala sa brain ko.
19 Jun 2026
no-agenda days
medyo tough man dahil uupuan mo talaga ang thoughts at feelings mo pero sobrang thankful pa rin sa pahinga.
5 Jun 2026
to yearn or not to yearn?
hindi na ba talaga ako yearner o epekto lang to ng isang relationship na 'di nag work out?
13 May 2021
ep6. influencer? babay sampayan?
isang malaking life update! ambilis lang ng mga pangyayari sa buhay ko ngayon kaya tara, isuka natin in the form of audio! mula sa pagsabog ng jojo choreo ko sa tiktok, hanggang sa usaping lipat-bahay at room-for-rent upa tingz. tumambay lang ulit si gab dahil na-solo niya ng saglit ang bahay.
21 Mar 2021
ep5. bituing lowkey lang ang ningning
syempre, hindi naman puro sunshines and rainbows ang elementary. malamang mayroon ring mga malalagim at very horror na mga kaganapan noong totoy pa lang ako. hindi mga multo sightings pero horror in the form of trauma at mga 'di kaaya-ayang mga pangyayari. sa episode na 'to, ibabahagi ko sa inyo ang mga kwentong ng pag-iisa, inggit, at mga pagkakaibigang lumamig; mga karanasang bumago't bumuo sa personalidad at pagkatao ko sa high school hanggang sa kasalukuyan.
31 Jan 2021
ep4. elementarya days
dahil nananabik na akong pumasok muli sa paaralan, balikan natin ang makulay kong mga karanasan sa mababang baitang. ang kadalasang pag-iisa, ang buhay kontesera, ang pag-aaral ng choreo ng "the boys" ng girl's generation, ang pagiging elfman strauss ng tropang fairytail, at si erza. si erza, basta si erza. mga kwentong maaaring anekdota lamang sa'yo ngunit naging gabay ko sa pagpasok ng highschool.
7 Jan 2021
ep3. "bagong" bagong taon
maligayang pasko at isang manigong bagong taon para sa ating lahat! ang daming nangyari nung 2020. marami akong naranasan mula sa mga personal na mga milestones ko sa buhay pati na rin ang mga milestone na hindi ma-reach ng ating gobyerno sa pakikipagsabunutan kay rona mae (lord, tulungan mo po kami huhu). pero lahat nang iyon ay nakaraan na. natuto naman tayo doon. pero pag-usapan natin: anong tawag sa new year's celebration na yun?! nasaan ang talunan sa kalsada? ang night markets na puno? ang balagbagan with friends na di kailangan ng social distancing. para sa akin, iyon ang pinaka-meh na pagdiriwang na natuklasan ko sa labing-walong taon kong pamumuhay.
25 Dec 2020
ep2. may covid pa, ikalma!
pataas na unemployment rate? eh. mas maraming kaso? ah, ok. mas matagal na lockdown? edi wow. kahit ano pang rason na maaring makaapekto sa lahat ang ibigay natin, mayroon pa rin talagang mga taong hindi natatakot sa covid. kaya para mapaalala ko sa inyo na totoo si rona mae, narito ang mga ilang mas* nakakatakot na rason kung bakit hindi ka dapat magkaroon ng covid-19 ngayong pasko't bagong taon.
17 Dec 2020
ep1. halina't magpakilala
"mr. campos, stenap. come to the pront and introduce yourselp," isa sa mga bagay na parehong kinatatakutan at inaabangan ko sa bawat unang araw sa eskwela. katulad ng mga ganap sa first day of class, nagbahagi si gab ng mga bagay na tipikal na tinatanong sa "introduce yourself" katulad ng mga likes/dislikes, mga pangarap, at iba pang mga kakalatan. pinakilala ni gab ang kanyang sarili sa mga bagong tagapakinig.
Contact lolo luvs u
Guest appearances
Does not typically book guests
Based on episode analysis; this does not confirm that the show is currently accepting guests.
Host of lolo luvs u?
Claim your podcast to manage its listing and keep your show details accurate.
Pod Engine is an independent podcast discovery and analytics service and is not affiliated with or endorsed by this podcast. Artwork and show content belong to their owners. Full legal notice.
Explore this show Podcast research with Pod Engine