Loud and Queer! is a podcast series dealing with the aim of forwarding calls for LGBTQ+ acceptance and gender empowerment. Join us as we talk about SOGIE, the SOGIE Equality Bill, the struggles many experience in expressing their SOGIE, and more!
UP ADS Anniv Special | Episode 2: DevCom in Gender Development? Bet!
DevCom in Gender Development? Nuraw? Mula sa kalupaan ng Los Baños at sa bonggang utak ni Dr. Nora Quebral, namukadkad ang Development Communication! Ang Communication with a heart! Gusto nyo yorn?
Pero, hep! hep! hep! Ano nga ba ang papel ng DevCom sa pagsulong ng mga pinaglalaban natin sa komunidad? Pakinggan ang isa sa mga alumni ng UPLB CDC na si Mx. Edgar Bagasol Jr na 'di papakabog sa larangan ng gender development projects kasama sina Kring, Merk, at Gelai sa bonggang episode ng Loud and Queer!
1 Sept 2021
UP ADS Anniv Special | Episode 1: Ma, bida na ako, Ma!
Ngayong patok na patok sa mga chikiting ang iba't ibang mga shows featuring ang mga badetski, BL dito, BL dyan! Pakak na pakak ang sangkabaklaan! Bongga de va? Peruuuu! Whylalu nga ba importanteng magkaroon nang maayos na representation ang ating mga queer actors and stories? Kasama ang Gawad Urian nominees na sina Direk Dolly Dulu at Adrian Lindayag ng “The Boy Foretold by the Stars” at "Love Beneath the Stars" (DI NYO KAYA!), pagchikahan natin ito with Kring, Merk, at Gelai dito sa Loud and Queer!
30 Aug 2021
UP ADS Anniv Special | Episode 0: Mars, may nagbabalik!
Mga kapitbahay, may nagbabalik ! Chrew? Samahan sina Kring, Gelai, at Merk sa panibagong talaktakang pangmalakasan para sa kinabukasan! Gusto mo yarn? Gusto ko yorn!
Abangan ang special presentation na ito katuwang ang UP ADS dahil 24th anniversary na nila! Bongga! Abangan mo yan ha? Promise?
7 May 2021
Episode 3: See your true colors shining through. Trew?!
Matapos alamin ang SOGIESC at ang SOGIE Equality Bill, anek nga ba ang kaganapan ng mga badet, merlat, shiboli, beki, at iba pang miyembro ng federasyon sa pagtanggap sa kanilang pagkatao at pagpapalaya sa kanilang pagkakakilanlan? Paano nga ba tayo makatutulong upang maging kaagapay o ally ng mga kapatid natin sa LGBTQ+ Community?
Halina't alamin ang kasagutan sa mga tanong na iyan sa chikahan nina CJ, Pia, and Shey kasama ang nag-iisang Miss Trans Global 2020 Mela Habijan. Dito lang sa Loud and Queer!
5 May 2021
Episode 2: SOGIE Equality Bill? Nasaan na itiz?
Pagkatapos ng bonggang chikahan about SOGIESC, pag-usapan naman natin ngayon ang SOGIE Equality Bill. Ano nga ba itez at anek na ang journey nito? Sino nga ba ang maa-awardan sa pagdelay nitiz? Eme! Sabay sabay rin nating i-debunk ang myths and misconceptions about SOGIE Equality Bill.
Kaya tara na’t sumama sa chikahan nina CJ, Pia, and Shey, with the Deputy Director for Policy and Campaigns ng PANTAY Pilipinas, Mx. Cheng Pagulayan. Dito lang sa Loud and Queer!
1 May 2021
Episode 1: Anek nga ba ang SOGIESC?
Sa panahon kung saan we advocate for gender visibility and equality, importante na malaman natin ang basics ng SOGIESC, its concepts and kung anek nga ba ang dulot nito sa ating pagkatao. Kaya tara lets at makinig sa chikahan nina CJ, Pia and Shey with UP Center for Women and Gender Studies Director Dr. Nathalie Africa-Verceles!
28 Apr 2021
Episode 0: Mars! Anong balita?
Ayan na! Pakak na pakak na! Umaariba na! Andito na ang mga magagandang hosts ng Loud and Queer podcast series!
Ating tuklasin kung ano ba ang ating mga pag-uusapan sa mga susunod na episodes. May tanong ka ba about SOGIESC? Para kanino ba talaga ang SOGIE Bill? Ano kayang klaseng support system ang kailangan ni frenny kong hindi pa ready to step out of the closet? Samahan sina CJ, Pia, at Shey upang suriin at punahin ang mga napapanahong issue sa LGBTQIA+ community! De va? Abangan mo ang mga next episodes ha? Bongga na!
Contact Loud and Queer!
Guest appearances
Books guests
Based on episode analysis; this does not confirm that the show is currently accepting guests.
Host of Loud and Queer!?
Claim your podcast to manage its listing and keep your show details accurate.
Pod Engine is an independent podcast discovery and analytics service and is not affiliated with or endorsed by this podcast. Artwork and show content belong to their owners. Full legal notice.
Explore this show Podcast research with Pod Engine