Ang personal na podcast tungkol sa mga bagay-bagay tungkol sa buhay ko na siyang ibabahagi ko na may dalang katatawanan, inspirasyon at aral para sa inyo!
Sa Episode 4 ng RobCast, babasahin ko ang isang Journal Entry na isinulat ko noong October 24 tungkol sa tila pagkabahala sa tuwing ako’y magpapahinga sa mga gawain. Nais kong ibahagi sa inyo rito ang mga bagay na siyang nasa isipan at ipaalam sa lahat na ang lahat ng tao’y may karapatang magpahinga, lalo na’t kung tayo’y sobrang pagod na sa paglaban.
10 Nov 2020
Episode 3: RRR: Why R U The Series
Sa Episode 3 ng RobCast, ibibigay ko ang aking Review, Reflection at Recommendation para sa serye ng Why R U The Series. Isa sana ito sa mga pinakamagandang serye na aking napanood dahil sa kung paano nila ikinuwento ang istorya ngunit tila nag-iba ang ihip ng hangin para sa serye nang dumating ang COVID-19. Pakinggan sa podcast na ito kung ano nga ba ang nangyari!
6 Nov 2020
Episode 2: RRR: Theory of Love Special Episode
Sa Episode 2 ng RobCast, ibibigay ko ang aking Review, Reflection at Recommendation para sa special episode ng seryeng Theory of Love na ang title ay Stand By Me. Huwag mag-alala dahil may mga lamang aral ito na maiintindihan niyo pa rin kahit hindi niyo pa ito napapanood, kaya’t tara na!
6 Nov 2020
Episode 1: First Week of Online Classes
Sa Episode 1 ng RobCast, ikukuwento ko sa inyo ang aking mga karanasan sa unang linggo ng “new normal” sa pag-aaral bilang isang mag-aaral sa ikalawang taon sa kolehiyo. Kasalukuyan akong nag-aaral na Sikolohiya at tignan natin kung ano nga ba ang mga bagay na siyang nangyari sa unang linggo ng bagong pakikipagsapalaran para makapagtapos.
6 Nov 2020
Episode 0: Introduction
Sa Episode 0 ng RobCast, ibabahagi ko sa inyo kung saan ko kinuha ang aking inspirasyon at motibasyon para isagawa ang podcast na ito. Hindi imposible talaga para maisakatuparan kahit ang mga maliliit na pangarap na mayroon ka sa buhay kaya patuloy lang sa pangangarap!
5 Nov 2020
RobCast: My Personal Podcast Trailer
Nandito ako para ibahagi sa inyo ang mga bagay na bumabagabag at gumugulo sa aking isipan tungkol sa buhay. Samahan niyo ako sa aking pagbabahagi at pagkukuwento dito lang sa RobCast: My Personal Episode
Contact RobCast: My Personal Podcast
Guest appearances
Does not typically book guests
Based on episode analysis; this does not confirm that the show is currently accepting guests.
Host of RobCast: My Personal Podcast?
Claim your podcast to manage its listing and keep your show details accurate.
Pod Engine is an independent podcast discovery and analytics service and is not affiliated with or endorsed by this podcast. Artwork and show content belong to their owners. Full legal notice.
Explore this show Podcast research with Pod Engine