Sa totoo lang, ginawa namin ito dahil hindi kami makapag-kwentuhan over inuman dahil sa pandemya. Kaya heto, gumawa kami ng podcast. Samahan nyo na rin kami. Kung ayaw nyo, edi wag!
EP 10: Makasaysayang Chikahan with Prof. Virlyn Jaime-Francisco
Gaano kalakas umutot si Andres Bonifacio? Uniqlo ba ang official merch ng KKK? Fuccboi ba si Manuel Quezon? Totoo bang magnanakaw si Marcos? Lahat ng yan ay sinagot ni Prof. Virlyn Jaime-Francisco sa ika-sampung episode ng The Freshboys Podcast!
Podmetrics Code: TheFreshboysPodcast
13 Oct 2021
EP 9: MARS, DAPAT BA KITANG I-UNFRIEND?
Dapat bang i-unfriend ang social media "friend" mong nakakainis ang post? Sapat bang dahilan na hindi kayo pareho ng opinyon kaya FO na kayo? Pinag-usapan namin yan sa ika-siyam na episode ng The Freshboys Podcast!
Nike: podlink.co/9j7
4 Oct 2021
EP 8: BAKIT MAS MASARAP ANG MILO SA MILO TRUCK NUNG 90S?
Pinagusapan namin dito ang pagreretire ni PacMan sa pulitika, kung bakit masarap ang Milo kapag galing sa Milo truck, at kung bakit kailangan seryosohin ang SRA dati. Nag-throwback din kami ng mga memories namin noong High School. Pakinggan ang lahat ng yan sa ika-walong episode ng The Freshboys Podcast!
20 Sept 2021
EP 7: POLITICS 101 - HOW TO WIN AN ELECTION
Nagbigay kami ng tips kung papano mananalo ang isang kandidato sa isang eleksyon. Lahat ng sumunod sa tips namin ay nanalo na. Kaya ano pa ang hinihintay mo, pakinggan mo na!
18 Sept 2021
EP 6: PILIPINAS, FACE SHIELD CAPITAL OF THE WORLD!
Pinagusapan namin dito si Steve ng Blues Clues dahil nakita raw siya kasama ni Oppo sa Baguio, kumakain as a friend. Tinalakay rin namin kung kailangan ba talaga ng Face Shield, at kung bakit nagagalit si Ate Mo Harry.
9 Sept 2021
EP 5: WORLD WAR 3 PINAS
Pinagusapan namin dito ang nagbabagang chika patungkol kay PC, YS. at LR. Malalaman niyo rin kung sino ang gusto naming makapareha kung sakaling magkaroon kami ng soap opera o pelikula. Kapag nagkaputukan na sa Pinas, ano kaya ang maiaambag namin? Alamin sa episode 5 ng The Freshboys Podcast!!
2 Sept 2021
EP 4: Magnanakaw, amin na phantom foldable bike ko | Nanalo ako sa lotto
Episode 4:
Modus operandi at anong gagawin mo sa 700Million. Magfranchise daw si sean ng 2 mcdo at 5 gasolinahan
23 Aug 2021
EP 3: KAKAKOMPYUTER MO YAN!
Bakit nga ba mas masarap ang pancit canton kapag nasa computer shop? Ilang pancit canton ang kayang ubusin ni Sean? Kumakain kaya ng pancit canton ang White Lady sa bahay ni Miko? Pinagusapan namin yan sa ikatlong episode ng The Freshboys Podcast kung saan tinalakay namin ang Glory Days ng Computer Shop.
18 Aug 2021
EP 2: VLOGGER'S GUIDE TO PINOY PRIDE
Pinagusapan namin dito ang mga nangyari kay kuya mo Nas Daily, kung maganda bang dagdagan ng sisig sa menu ng Jollibee, at ang mga plano namin kung kami ay magiging content creator. Siniyasat rin namin kung totoo ang nakita naming white lady na malaki ang dede sa bahay ni Miko.
9 Aug 2021
THE PILOT EPISODE: ALAK YOU A LOT!
Ito ang aming unang episode. Tara na at kilalanin kung sino kami, paano kami nagkakilala, at kung ano ang nagbuklod sa amin. Obvious ba? Nasa title na mamsh! This episode is all about alak! Halika na at pakinggan ang aming mga karanasan sa paginom ng alak na talaga namang makakarelate ka! Enjoy!
Contact The Freshboys Podcast
Guest appearances
Books guests
Based on episode analysis; this does not confirm that the show is currently accepting guests.
Host of The Freshboys Podcast?
Claim your podcast to manage its listing and keep your show details accurate.
Pod Engine is an independent podcast discovery and analytics service and is not affiliated with or endorsed by this podcast. Artwork and show content belong to their owners. Full legal notice.
Explore this show Podcast research with Pod Engine