Surprise, b*tches. I bet you thought you've heard the last of us. Ito na ba ang pagbabalik ng mga baklang kanal from their floppiest era?
Lumabas na nga ang menu ng mga presidentiables at na-publish na ang mga reviews para sa bawat isa sa kanila. Ang tanong: nakapili ka na ba? Ano ba ang mga hinahanap mo sa isang kandidato? Ilan ang ise-shade mo sa balota? Kung wala ka pang sagot, pakinggan ang pahayag at mga sentimiyento ng ating mga resident political angal-yst na sina Jerick, Edge, at Manny, at baka may mapulot ka. Pwedeng ginto, pwedeng basura. Bahala ka na.
Kaya naman sa darating na halalan, isang partido lang po ang ating piliin at isigaw! Sabaughy-sabaughy! ‘Yun lang naman~
PS. *not a political post eme
30 Oct 2021
15 - Random Stuvves: Bingo Bonanza Extravaganza
Sa letrang B: the BADINGS are BACK for BARDAGULAN! Nandito na naman sina Jerick, Edge, at Manny para sagutin ang ilang mga katanungan sa Instagram à la influencer—with a twist! Kaya naman kunin niyo na rin ang inyong mga bingo cards at samahan kami sa isang larong certified pang-tita! 'Yun lang naman~
25 Sept 2021
14 - Not Goodbye, But See You Later
Mula sa mga pinakanakakatawa hanggang sa pinaka-memorable, balikan ang mga nakaraang episodes kasama sina Jerick, Edge, at Manny. Pasensya ka na, ah, at hanggang dito na lang. Ito lang kami, eh. Wala na kaming magagawa. Salamat na lang sa lahat, at ‘yun lang naman.
19 Sept 2021
13 - Bb. Dog Show 2021
Papalapit na naman ang pageant season! Kaya naman para patunayan kung sino talaga ang totoong reyna, nagpasiklaban sina Jerick, Edge, at Manny sa pagsagot sa mga katanungang half-seryoso, half-gaguhan! Sino kaya sa kanila ang kokoranahan at hihiranging Bb. Dog Show 2021? Kayo na ang humusga, balakayojan. ‘Yun lang naman!
11 Sept 2021
12 - Questions We Ask When Going Through A Quarter-Life Crisis (Part 2)
Bakit ba ako single? Dapat na ba akong magpakasal ngayon? Ilang anak ba dapat ang mayroon ako? Paano kung never kong ma-figure out ang buhay ko? Alamin ang pagpapatuloy nina Jerick, Edge, at Manny sa pagsagot sa mga tanong na madalas ay sumasagi sa isipan natin kapag tayo ay nakararanas ng quarter-life crisis. 'Yun lang naman!
4 Sept 2021
11 - Questions We Ask When Going Through A Quarter-Life Crisis (Part 1)
Sure ka na ba sa career path mo? Pakiramdam mo ba ay wala ka pang naa-achieve kahit nasa mid-twenties ka na? Alamin ang mga sagot nina Jerick, Edge, at Manny sa mga tanong na madalas ay sumasagi sa isipan natin kapag tayo ay nakararanas ng quarter-life crisis. ‘Yun lang naman!
29 Aug 2021
10 - Zodiac Sign Trashtalkan (Part 2)
At tatalakayin na nga ng inyong resident astrologists ang kani-kanilang mga zodiac signs! May iiyak kaya sa kanilang tatlo habang pinagtatakpan ang baho ng mga signs nila? Matatapos kaya ang episode na ito nang magkakaibigan pa rin sila? Alin nga kaya talaga ang best zodiac sign? Alamin ang sagot sa ikalawang yugto ng pag-uusap nina Jerick, Edge, at Manny tungkol sa mga zodiac signs: this time, mula Libra hanggang Pisces! 'Yun lang naman!
21 Aug 2021
09 - Zodiac Sign Trashtalkan (Part 1)
Minsan ka na rin bang humusga ng isang tao base sa kanyang zodiac sign? May kinalaman nga kaya ang posisyon ng mga bituin sa oras ng ating kapanganakan sa kalalabasan ng ating pagkatao? Anong zodiac sign kaya ang pinakababardahin nina Jerick, Edge, at Manny sa episode na ito? Pakinggan kung ano ang mga comments, opinions, and bombastic reactions ng inyong mga resident astrologists sa mga zodiac signs mula Aries hanggang Virgo! 'Yun lang naman!
14 Aug 2021
08 - F. R. I. E. N. D. S.
Ano ang criteria of judging niyo bago niyo kaibiganin ang isang tao? Samahan sina Jerick, Edge, at Manny na balikan kung paano sila nagsimula at pag-usapan ang mag-iisang dekada na nilang pagpaplasti—este, pagkakaibigan pala. 'Yun lang naman!
7 Aug 2021
07 - Add to Cart na 'Yan!
Greetings mula sa tiny bubbles ng Metro Manila! Ito na nga ang much-awaited naming kembuck after our flop era na tumagal din ng ilang buwan! Kumusta na nga ba ang buhay-buhay natin ngayong Season 3 ng lockdown? At sino nga ba sa amin ang may pinakamalaking gastos sa online shopping habang nakakulong sa bahay? Alamin 'yan at ang marami pang ibang chika sa pagkukwentuhan nina Jerick, Edge, at Manny this episode. 'Yun lang naman!
11 Apr 2021
06 - Lipad, Manny, Lipad!
Paano ba ang magmahal? Paano ba umusad kapag nasaktan? Makipaghugutan ng feelings sina Jerick, Edge, at Manny at makisama sa kanilang usapan tungkol sa kanilang heartbreak experiences at kung paano nila napagtagumpayan ang mga ito. 'Yun lang naman!
11 Apr 2021
05 - ECQ Diaries
In this episode, pag-uusapan nina Jerick, Edge, at Manny ang mga nangyari sa buhay nila noong Season 1 ng ating very own Community Quarantine series. Pakinggan ang kanilang mga experiences before the lockdown, ang mga struggles nila during the lockdown, kung paano sila nahilig sa Dalgona coffee at sa BL series, kung ano ang mga na-postpone nilang mga travel goals, at kung anu-ano pang mga ganap sa buhay nila in the year 2020. 'Yun lang naman!
27 Mar 2021
04 - Las Bacclas Kolehiyalas
At malapit na nga tayong grumadweyt, mga beshy! Pakinggan ang pag-uusap nina Jerick, Edge, at Manny tungkol sa mga panahon at pagkakataong pinagsaluhan nila noong sila ay magkakaklase sa kolehiyo! Sino na naman kaya ang manlalaglag at ilalaglag ngayong episode? 'Yun lang naman!
21 Mar 2021
03 - O, My Hayskul Life
Mula sa mga unang crush at mga text clan hanggang sa mga quiz bee at iba pang extracurricular activities—samahan sina Jerick, Edge, at Manny na balikan ang kanilang mga most unforgettable experiences noong mga "jeje days" nila. Abangan din ang kanilang mga ekslusibong pasabog tungkol sa mga taong nagkaroon ng malaking bahagi sa kanilang buhay-teenager. 'Yun lang naman!
13 Mar 2021
02 - Buhay Bagets
Nakakain ka na ba ng buhangin? Pinangarap mo rin bang magkaroon ng super powers? Pakinggan ang kwentuhan nina Jerick, Edge, at Manny tungkol diyan at sa iba pa nilang mga hindi malilimutang memories noong kabataan nila (tanders na 'yan?). Babala: Pasintabi po sa mga kakakain lang, kumakain, at kakain pa lang dahil ang episode na ito ay naglalaman ng iba't ibang klase ng mga kalat at sama ng loob na maaaring hindi niyo nais marinig sa hapagkainan. 'Yun lang naman!
6 Mar 2021
01 - OR (Opening Remarks)
Paano mo ipakikilala ang mga kaibigan mo sa ibang tao? Pupurihin mo ba sila, lalaitin, o mumurahin na lang kapag wala ka nang masabi? Samahan sina Jerick, Edge, at Manny sa kanilang bardahan at pakinggan ang kanilang mga kwento tungkol sa mga karanasan nila sa isa't isa. 'Yun lang naman!
28 Feb 2021
00 - Kumustaaaaa?
Babala: ang programang ito ay may mga tema at lengguwaheng hindi angkop sa mga bata, kaya naman isang munting patikim muna sa kung ano ang maaari niyong mapakinggan sa podcast na 'to. Keri? 'Yun lang naman!
Contact 'Yun Lang Naman!
Guest appearances
Does not typically book guests
Based on episode analysis; this does not confirm that the show is currently accepting guests.
Host of 'Yun Lang Naman!?
Claim your podcast to manage its listing and keep your show details accurate.
Pod Engine is an independent podcast discovery and analytics service and is not affiliated with or endorsed by this podcast. Artwork and show content belong to their owners. Full legal notice.
Explore this show Podcast research with Pod Engine